Ang kalusugan ang pinakamahalaga lalo na sa panahong ito ng pandemya!
Upang patuloy na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Calaca ay muling inilunsad ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan sa pamumuno ni Dra. Sharon Ona ang Weigh-to-Go Challenge. Layunin ng programang ito na maabot ng mga kawani ang tamang timbang ng bawat isa sa paraang wasto at ligtas upang mapanatiling malusog ang katawan at makaiwas sa anumang karamdaman.
Bilang bahagi ng programa ay masusing pinag aaralan ng nasabing tanggapan ang mga detalyeng kinakailangan tulad ng uri ng trabaho ng bawat kalahok. Sa ganitong paraan, ay makapagbibigay ng mga tamang panuntunan ang tanggapan na naaayon sa pangangailangan ng katawan at paraan sa pag abot ng tamang timbang. Gayundin ay magkakaroon ng Visual Zumba bilang dagdag aktibidad sa programa.
Ang programang ito ay tatagal ng isang taon, ngunit sa bawat tatlong buwan ay magkakaroon ng pagsusuri sa naging pag usad ng programa sa mga kalahok. Muli ay titimbangin ang bawat isa at kukunan ng larawan upang makita kung nagkaroon ng pagkakaiba sa loob ng tatlong buwan.
Inaasahan na magiging matagumpay ang nasabing programa
at tamang timbang ay makakamit ng bawat isa,
dahil kalusugan ang ating pinakamahalagang yaman,
kung kaya nararapat lamang na ating pangalagaan.