News

Home 5 Uncategorized 5 UMAAGOS NA PAGMAMAHAL SA MGA DIALYSIS PATIENTS SA BAYAN NG CALACA
UMAAGOS NA PAGMAMAHAL SA MGA DIALYSIS PATIENTS SA BAYAN NG CALACA

Hindi lamang ang pandemyang kasalukuyang kumakalat ang binigyang pansin ng Pamahalaang Lokal. Dahil ang lahat ng tao ay apektado, lahat ng sektor ay kailangan ding pag aralan upang mabigyang katugunan ang mga pangangailangan.Tulad ng mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis na sadyang malaki ang halagang inilalaan sa mahabang gamutan maipagpatuloy lamang ang laban ng kanilang buhay.

Ang Pamahalaang Lokal ng Calaca sa pangunguna ni Mayor Nas Ona katuwang ang mga kawani mula sa Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Treasurer Office ay nagsadya sa tahanan ng mga dialysis patients upang maghatid ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Ito ay upang matulungan sila sa pagbili ng gamot at iba pang kailangan sa dialysis. Ang cash assistance ay maaaring ipinagkakaloob dalawang beses sa isang taon.

Dagdag pa rito ay sadyang hindi matawaran ang naitutulong sa pamilya ng ilan pang pasyente na tumatanggap ng EPOETIN ALFA INJECTION sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan na pinamumunuan ni Dra. Sharon Ona. Ang tulong ay buwanang ipinagkakaloob sa halos 100 pasyenteng nagda-dialysis. Ang naturang programa ay nagsimula noong 2019.

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial