News

Home 5 Uncategorized 5 TULONG NG SLTEC SA DEPED CALACA UPANG MAPAGHANDAAN ANG DISTANCE LEARNING
TULONG NG SLTEC SA DEPED CALACA UPANG MAPAGHANDAAN ANG DISTANCE LEARNING

Agosto 19, 2020 – Pinagkalooban ng South Luzon Thermal Energy Corporation (SLTEC) ng mga bond papers, pocket wifi, EPSON Printer at ink, at prepaid load ang mga paaralan pang-elementarya at sekundarya sa distrito ng Calaca. Pinangunahan ng Presidente ng naturang kumpanya na si G. Basti Lacson ang pamamahagi, kasama niya sina Bb. Sarah Baniga (HR and External Relations Manager), G. Venkata Siva Reddy (Plant Manager), G. Arkin Miguel Cuebillas, G. Jeps Mendoza, at Bb. Angelica Cauntay (mga miyembro ng External Relations Team). 

Napagdesisyunan ng Kagawaran ng Edukasyon na ihinto muna ang face-to-face classes para sa darating na panuruang taon 2020-2021 bunsod ng banta ng COVID-19 sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Isinasagawa ng mga paaralan ang Distance Learning sa pamamagitan ng modyul at online classes. Lubos na nakatutulong ang ipinagkaloob na pocket wifi at prepaid load ng SLTEC upang maisagawa ito. Napakikinabangan din nang husto ang mga ipinagkaloob na printing supplies sa paglilimbag ng mga modyul na siyang pinag-aaralan ng mga estudyante.

Labis na nagpasalamat ang buong DepEd Calaca Family sa kabutihang ipinamalas ng pamunuan at mga empleyado ng SLTEC. Malaki ang naitulong nito sa kanila upang patuloy na maisulong ang kalidad na edukasyon para sa mga kabataang Calaqueño. 

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial