News

Home 5 Uncategorized 5 “TAWID-COVID” PROGRAM SA PANAHON NG COVID-19
“TAWID-COVID” PROGRAM SA PANAHON NG COVID-19

Sa mahigit isang taong napasailalim ang bayan ng Calaca sa Community Quarantine, hindi maikakaila ang hirap at gutom na kinakaharap ng mga Calaqueño. Ito ay dulot ng biglaang pagkawala ng trabaho at sapilitang pagtigil sa bahay bunsod ng panganib ng COVID19. Ngunit dahil sa walang sawang suporta ng Lokal na Pamahalaan sa mamamayan ng Calaca, katuwang ang mga kawani, miyembro ng ating Sangguniang Bayan na pinamumunuan ni Vice Mayor Renante Macalindong, at sa tulong ng Sangguniang Barangay, naihatid sa ating mga Calaqueño ang iba’t ibang uri ng tulong upang unti-unti ay maibsan ang hirap na kanilang dinaranas.

Sa laban kontra COVID-19, sinimulan ng Lokal na pamahalaan ang proyektong “Tawid-Covid, Alagang Calaqueño sa Panahon ng COVID19”. Ito ay ang pamimigay ng ayuda sa mamamayan ng Calaca bilang pantawid sa mga panahong higit na kailangan. 

Anim na Bugso ng Ayuda para sa mga kaGawa

Tumanggap ng 5 kilong bigas sa unang bugso ng ayuda ang lahat ng pamilyang Calaqueño. Naipaabot naman sa pangalawa, pang-apat at panlimang bugso ang financial assistance na nagkakahalaga ng Php 1500 (Php 500 kada bugso). Nagkaloob din ng Food pack (bigas, kape, de lata at noodles) sa pangatlo at iba’t-ibang personal care at hygiene products (shampoo, soap, toothpaste, sanitary napkin, mouthwash, feminine wash, tissue roll, razor, cotton roll, baby powder, cotton buds, detergent bar, dishwashing liquid, alcohol (1 liter) at disinfectant (1 gallon) na nakalagay sa isang Eco bag) naman sa pang-anim na bugso ng ayuda. Naniniwala ang Calaca, na nagsisimula sa malinis na pangangatawan at kapaligiran ang patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng mga Calaqueño.

Taos-Pusong Pangangalaga sa mga Calaqueño

Ang Tanggapan ng Pambayang Kalusugan quaranTEAM ay namahagi ng mga vitamins at prutas para sa ating mga PUMs o Person Under Monitoring at PUIs o Person under Investigation upang matiyak na napapangalagaan ang kanilang kalusugan. Kaagapay ang masisipag na Barangay Health Emergency Response Teams, ay naipahatid ang walang humpay na pangangalaga sa ating mga kababayan.

Pagpapalawig ng Benepisyo ng Orange Card

Bilang pagtugon sa panahong higit na kinakailangan,  pinalawig ng ating Lokal na Pamahalaan ang benepisyong hatid ng ating ORANGE CARD. Lumaki ang halagang nakatalaga sa bawat klase ng Orange Card na pwedeng gamitin ng mga card holder. Kaakibat nito, pinadali at pinabilis din ang paggawad ng mga ito. 

Nagkaroon din ng malawakang aplikasyon para sa mga residente at rehistradong botante ng bayan ng Calaca, gayundin para sa persons with disability, may karamdamang mental at intelektwal at mga walang kapasidad magtrabaho na wala pang Orange Card, kasabay ng pagbibigay ng libreng Rapid Antibody Testing sa mga barangay. 

Buto ng Gulay, Binhi ng Buhay

Ang inip at pagkabagot, daanin sa masayang pagtatanim 👨‍🌾👩‍🌾. 

Mga buto ng gulay 🌱☘️🌿 ating buhayin, 

lupa ay pagyamanin , kalusugan ng pamilya pag-ibayuhin! 👨‍👩‍👧‍👦

Upang mahikayat na magkaroon ng “survival garden” at makatulong sa pagkakaroon ng mga libreng gulay sa bakuran, namahagi ng mga buto ng pananim na gulay sa bawat pamilyang Calaqueño ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pangunguna ni Gng. Alicia Cabrera habang nasa ilalim ang bayan ng Calaca sa Enhanced Community Quarantine (ECQ). Ang proyektong ito ay naglalayong magbunga hindi lamang ng masarap na ulam kundi malusog na pangangatawan ng pamilya na ating aanihin sa kalaunan. 

Nag-anunsyo ang Tanggapan ng Agrikultor ng isang patimpalak sa bayan ng Calaca matapos ang isang buwan nang ipamigay ang mga binhi. Ipinadala ng mga nais makilahok ang mga larawan ng mga itinanim na buto ng gulay na umusbong o namunga na. Ito ay binisita ng mga hurado at pumili ng mga magwawagi, isa o higit pa sa bawat barangay at tatlo para sa pangkalahatang kategorya. 

Noong Oktubre 28, 2020 ay inani na ng 160 Calaqueñong nagwagi sa Buto ng Gulay Binhi ng Buhay: Backyard Gardening Contest ang produkto ng kanilang sipag at tiyaga. Ang pagkilala sa mga nanalo ay pinangunahan ni Mayor Nas C. Ona Jr. at Sangguniang Bayan, katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera na ginanap sa Brgy. Madalunot Covered Court.

Napagyaman nila ang mga butong ipinamahagi ng lokal na pamahalaan at umani hindi lamang ng masusustansyang gulay na nakatulong upang mapanatiling malusog ang kanilang mga pamilya kundi pati na rin ng sertipiko ng pagkilala, karagdagang mga binhi, mga kagamitan sa pagtatanim, complete fertilizer, at kaukulang cash prize.

Paninigurado ng Kaligtasan sa mga Paaralan

Patuloy din ang pagbibigay ng prayoridad ng Pamahalaang Lokal sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral. Noong Nobyembre 18, 2020 ay isinagawa ang Turn Over Ceremony ng 153 set ng mga Instructional Materials, Hygiene Kits (alcohol, alcohol non-touch dispenser, foot bath, disinfectant bleach), at Supplies (non-touch trash bin, tissue paper, spin mop, spray bottle, clorox disinfectant, at disinfectant knapsack sprayer) na maaaring gamitin ng mga paaralan sa bayan ng Calaca upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng kapaligiran. Ang mga ipinamahaging gamit ay mula sa Special Education Fund (SEF).

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial