Sa pagpasok ng taong panuruan 2020 – 2021, matatandaan na kakaibang uri ng pag aaral ang ipinatupad sa mga paaralan bilang pag-iwas at pag-iingat sa mga mag-aaral laban sa COVID19.
Sa pagpapatupad ng Alternative Distance Learning ay hindi maikakaila ang hirap sa pag aaral kung walang gadyet o anumang uri ng teknolohiya na maaaring gamitin. Kung kaya sa pag-aasam ng Pamahalaang Lokal na matulungan ang mga mag-aaral, minarapat na mag-realign ng pondo para makapamahagi ng mga tablet na makakatulong upang mapadali ang pagkatuto ng mga estudyante sa kanilang mahihirap na aralin.
Noong Nobyembre 18, 2020, sinimulang ipamahagi ang mga tablet para sa 353 Grade 11 HUMSS na mag aaral ng Calaca Senior High School. Pinangunahan ito ni Mayor Nas Ona kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan katuwang ang DepEd District Supervisor Dr. Anabel Marasigan. Sinundan ang pamamahagi noong Disyembre 23, 2020 para sa 444 na mag aaral mula sa parehong paaralan.
Lubos ang pasasalamat ng mga mag aaral at kanilang mga magulang sa natanggap na tulong mula sa Pamahalaang Lokal. Patuloy man ang paglaban ng mga taga-Calaca sa pandemya, NASA Husay ng mga mag-aaral ay hindi napapabayaan. Sisiguraduhin ng Pamahalaang Lokal na patuloy ang pag abot sa kanilang mga pangarap.