News

Home 5 Uncategorized 5 PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA
PATULOY NA PAGPAPAYABONG SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

Simula pa lang ng taon ay kabi-kabila na agad ang mga proyekto para sa mga kaGawang magsasaka at mangingisda sa bayan ng Calaca. Pinangungunahan ang mga programang ito ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera.

Noong Enero 19 ay ginanap ang pagpupulong ng mga kasapi ng Municipal Agricultural and Fishery Council Meeting (MAFC). Tampok sa kanilang talakayan ang mga proyektong kasalukuyang umiiral sa mga barangay para sa patuloy na pagyabong ng sektor ng agrikultura sa Bayan ng Calaca. Bukod dito, itinalaga rin ang mga bagong opisyal ng MAFC na magiging mga kinatawan upang matiyak na ang sipag ng bawat Calaqueño’y magbubunga ng kaunlaran.

Isa sa mga programang pang-agrikulturang patuloy na umaarangkada ay ang pagpapahiram ng mga traktora sa mga magsasaka. Malaking tulong ito sa kanila sapagkat mas maalwan na nilang natatapos ang mga trabaho sa bukid mas nakakatipid pa sila.

Namahagi rin ang mga kawani ng nasabing tanggapan ng mga disinfectant para sa mga backyard hog raisers. Layunin ng gawaing ito na mapanatili ang kalinisan sa bayan ng Calaca lalo na’t may kinakaharap pa ring pandemya ang munisipalidad. Pinaalalahanan ang mga mag-aalaga ng baboy na maigting na sundin ang mga alituntuning ipinatutupad upang maka-iwas sa sakit ang kanilang mga alagang hayop.

Bukod sa mga nabanggit, nagkaroon din ng Free Anti-Rabies Vaccination sa apatnapung barangay sa bayan ng Calaca. Sa hakbang na ito, bida ang kalusugan hindi lamang ng mga Calaqueño pati na rin ang kanilang mga alagang hayop.

Hindi rin pahuhuli ang programang One Barangay One Product ng Tanggapan! Nagsagawa sila ng isang seminar hinggil sa Cultural Management and Propagation of Ornamental Plants na naglalayong makatulong sa pangkabuhayan ng mga kaGawa mula sa Poblacion. Bahagi ng talakayan ang iba’t ibang uri ng ornamental plants, mga pangunahing pangangailangan at tamang pamamaraan sa pangangalaga sa mga ito. Maging ang demand at paraan ng pagkita mula dito ay naging paksa ng seminar.       

Tunay na NASA SIPAG at wastong kaalaman mapapanatiling buhay at maunlad ang sektor ng agrikultura dito sa Bayan ng Calaca. Kaya’t patuloy lamang ang pagsulong at pagsuporta sa mga aktibidad na naglalayong makamit ito.

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial