News

Home 5 Uncategorized 5 PASKUHAN SA CALACA
PASKUHAN SA CALACA

Damang-dama ng bawat Calaqueño ang nalalapit na Kapaskuhan sa pagbubukas ng kauna-unahang Paskuhan sa Calaca Animated Christmas Display. Kaisa sa naturang pasaya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal sa pamumuno nina Vice Mayor Renante L. Macalindong at Mayor Nas C. Ona, Jr. noong Nobyembre 15, 2019. 

Ipinamalas ng mga estudyante mula sa Pedro A. Paterno NHS at Dacanlao G. Agoncillo NHS ang kanilang galing sa pagtugtog ng mga instrumento bilang pasimula sa nasabing pagdiriwang. Sinundan ito ng mataimtim na panalangin na pinangunahan ni Municipal Budget Officer Zeny Macalindong. Isang awiting pampasko naman ang inihandog ni Ms. April Jamilenn B. Catibog mula sa Tanggapan ng Pambayang Kabatiran. Naghayag ng makabuluhang pambungad na salita si Municipal Administrator Cristina A. Perez na sinundan ng pag-awit ni Mr. Jay Graves Banuelos mula sa Tanggapan ng Pambayang Kagalingan Panlipunan, Paglilingkod at Pagpapaunlad.

Kamangha-mangha ang inihandang Animated Christmas Display sapagkat tampok dito ang kulturang Pilipino lalo na ang iba’t-ibang kaugalian sa pagdiriwang ng Pasko. Hindi rito mawawala ang Simbang Gabi, ang pagkain ng masarap na puto bumbong, at ang pangangaroling. Bida rin sa palabas ang iba’t-ibang kilalang produkto sa bayan ng Calaca gaya na lomi sa Madalunot, ang Ningning’s lechon, Loida’s empanada, at ang tanyag nitong Atchara. Higit sa lahat, ang pinakamahalagang tagpo sa Paskuhan ay ang pagpapakita ng pagsilang ni Kristo sa sabsaban. 

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Calaqueño at mga taga-karatig bayan na matunghayan ang Paskuhan ng Calaca hanggang ika-5 ng Enero, 2020. 

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial