News

Home 5 Uncategorized 5 PAMAMAHAGI NG HONORARIUM SA MGA LUNAS KALUSUGAN VOLUNTEERS
PAMAMAHAGI NG HONORARIUM SA MGA LUNAS KALUSUGAN VOLUNTEERS

Tinipon para sa isang Honorarium Distribution ang mga Lunas Kalusugan volunteers upang kilalanin ang masigasig na pagganap sa kanilang mga tungkulin. Pinangunahan ang aktibidad na ito ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan sa pamumuno ni Dra. Sharon Ona katuwang ang Punumbayan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na ginanap noong Oktubre 9, 10, 12 at 18, 2020 sa Calaca Senior High School.

“Sa tagal nating magkakasama ay hindi tayo matitinag ng lahat ng ating pinagdadaanan. Patuloy nating gagawin ang lahat para sa kapakanan ng bawat isang Calaqueño,” bahagi ng mensahe ni Mayor Nas Ona sa mga Lunas Kalusugan Volunteers nang gawaran sila ng honorarium. 

Ang mga Lunas Kalusugan Volunteers ang tainga ng Tanggapan ng Kalusugan upang mapakinggan ang mga hinaing at pakiusap ng mga mamamayan. Sila rin ang boses ng Tanggapan upang makaabot sa bawat residente ng apatnapung barangay na nasasakupan ng Bayan ng Calaca ang tamang impormasyon ukol sa usapin ng kalusugan. 

Sa pagharap ng munisipalidad sa pandemya, isinasakripisyo ng mga volunteers ang kanilang kaligtasan at kalusugan sa pagsisilbi bilang isa sa mga Frontliners sa kani-kanilang mga barangay. Katuwang sila ng Pamahalaang Lokal upang masigurong madarama ng kanilang mga kabarangay ang Alagang Calaqueño. Tumutulong sila sa pamamahagi ng mga flyers ukol sa CoVid-19 gayundin sa pamimigay ng ayuda at mga gamot.

Bukod sa ibinigay na honorarium ay nagsagawa rin ang Tanggapan ng Kalusugan ng pagbibibigay ng bakuna sa mga volunteers upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Hindi matatawaran ang sakripisyo at pagkalinga ng mga Lunas Kalusugan sa kani-kanilang barangay kaya naman sinisikap ng Pamahalaang Lokal na maipadama rin sa kanila ang pag-aalagang kanilang inilalaan sa iba.  

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial