News

Home 5 Uncategorized 5 PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES
PAGPUPULONG NG MGA BARANGAY FUNCTIONARIES

Kasabay ng pagpasok ng taong 2021 ay ang pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng Calaca na maisagawa ang lahat ng mga nabinbing aktibidades at programa noong nagdaang taon. At isa sa mga hakbang na kanilang tinahak ay ang pagsasagawang muli ng buwanang pagpupulong sa mga Barangay Functionaries.

Pinamunuan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pangunguna ni G. Sherwin Comia ang pagpupulong sa Lunas Kapayapaan noong ika-21 ng Enero. Kaagapay niya si Executive Assistant Mel Salvador upang talakayin at rebisahin ang mga alituntuning ipinatutupad organisasyon nang sa gayo’y maging mas epektibo ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan para sa kaligtasan ng bawat Calaqueño.

Sinundan ito ng pagpupulong ng Lunas Kalusugan Leaders sa pangunguna ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan. Ipinaabot ni Dra. Sharon Ona ang pagkilala at pasasalamat sa sipag, sakripisyo at patuloy na pagbibigay serbisyo ng bawat isang kasapi.  Isinagawa rin ang pag-uulat hinggil sa estado ng mga kasalukuyang programang ipinatutupad sa iba’t ibang barangay. Inilatag rin ang mga nakahandang programa para sa unang buwan ng taong ito.

Samantala, ginanap naman ang pagpupulong ng Lunas Kabatiran noong ika-29 ng Enero sa pangunguna ni Municipal Information Officer G. Robenson Sale. Ang unang pagpupulong na ito ay bilang pagpapaigting ng organisasyong kaagapay ng naturang Tanggapan sa pagbabahagi ng tama, wasto at napapanahong impormasyon, gayundin ng mga programa at serbisyong hatid ng Pamahalaang Lokal.

Bunsod ng kinakaharap na pandemya, maigting na inoobserbahan ang minimum health protocols sa bawat pagpupulong. Sa pagkakaisa at kooperasyon ng bawat kasapi ng mga nabanggit na organisasyon, kapakanan ng mga mamamayang Calaqueño ay siguradong mapapabuti. 

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial