News

Home 5 Uncategorized 5 PAGPAPATULOY NG PINUSUAN CLUB
PAGPAPATULOY NG PINUSUAN CLUB

Naantala man buhat ng pandemya, ipinagpatuloy ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan sa pangunguna ni Dra. Marjolyne Sharon Ona ang Pinusuan Club noong Nobyembre 9, 2020 sa Calaca Municipal Gymnasium.

Ang programa ay naglalayong makatulong sa mga pasyenteng may diabetes, hypertension o cardiovascular disease sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng serbisyo gaya ng check-up, ECG, at iba pang laboratory tests. Ang mga nagpakonsulta ay maaari ring sumailalim sa mga pagsusuri para sa FBS, Lipid Profile, Uric Acid, Creatinine, at SGPT sa mas murang halaga. Dagdag pa rito, maaari rin silang makatanggap ng libreng gamot buwan-buwan na ipapadala sa kanila sa pamamagitan ng mga LuNAS Kalusugan volunteers mula sa kani-kanilang mga barangay. Bago isagawa ang mga pagsusuri, nagsagawa muna ng talakayan ang mga kawani ng RHU ukol sa mga serbisyong kanilang hatid at mga adbentaheng dala ng pagiging beneficiary ng Pinusuan Club. 

Nakakatanggap na ng mga benepisyo mula sa Pinusuan Club ang mga nagpakonsulta mula sa Brgy. Matipok, Makina, at Putingkahoy noong mga nakaraang buwan. Samantala, sa muling pagbubukas ng programa, limampu’t apat na residente mula sa Brgy. Tamayo ang kabilang sa mga karagdagang benepisyaryo nito. 

Sisikapin ng RHU na maihatid sa lahat ng barangay sa bayan ng Calaca ang mga serbisyo ng Pinusuan Club upang mas masigurong nasa magandang kalagayan ang kalusugan ng mga Calaqueño.  

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial