Nakiisa ang Pamahalaang Lokal ng Calaca sa pagdiriwang ng 120th Philippine Civil Service Anniversary na may temang “Public sector in the age of digital transformation” noong Setyembre 2020. Binigyang diin sa pagdiriwang ang kahalagahan ng teknolohiya at modernisasyon sapagkat nagbibigay ito ng mga alternatibong paraan upang maagap na matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan sa panahon ng pandemya.
Sa pangunguna ng Tanggapan ng Human Resources Management, binigyang pugay ang mga kawani ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga greeting card na nagsasaad ng pasasalamat sa kanilang sipag at sakripisyo bilang mga lingkod-bayan. Bukod dito, namahagi ng tanghalian sa bawat kawani sa kani-kanilang tanggapan upang kahit magkakalayo buhat ng pandemya, ay makapag salu-salo ang mga lingkod-bayan.
Kinilala rin noong Oktubre 2020 ang mga kawani na nagbibigay serbisyo sa publiko sa loob ng labinlima hanggang dalawampu’t limang taon. Kabilang sa mga ginawaran ng pagkilala ay sina Robert Castro (25 taon), Cristy Balitostos (20 taon), Joel Pastores (20 years), Manuelito (20 taon), Maharani Babasa (15 taon), at Elisa Valenzuela (15 taon).
Hindi biro ang serbisyo at sakripisyong ipinagkakaloob ng mga kawani ng pamahalaan upang mapaglingkuran ang kanilang mga kababayan kaya’t nararapat lamang na pasalamatan at kilalanin ang mga ito.