Tamang datos ukol sa iba’t-ibang sektor sa Bayan ng Calaca ay kailangan upang masiguradong bawat programa ay akma sa pangangailangan ng mga mamamayan. Muling naglibot ang mga kawani mula sa Tanggapan ng Pambayang Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan, sa pamumuno ni Gng. Maharani Babasa upang kumustahin ang kalagayan ng mga mamamayan sa bayan ng Calaca.
Mula Enero hanggang Pebrero, narating ng #TeamGawa ang apatnapung barangay sa bayan ng Calaca upang ihatid ang serbisyo gaya ng pagpaparehistro at pagpapatunay ng pagkakakilanlan para sa iba’t-ibang sectoral groups. Kabilang dito ang mga sektor tulad ng PWD, Senior Citizen, Kababaihan, Solo Parent, LGBT, Erpat, Out of School Youth at Overseas Filipino Workers.
Maaari ring magparehistro at magpadagdag o magpabago ng impormasyon para sa Orange Card. Bukod sa mga nabanggit, pupuwede ring kumuha ng cedula ang mga mamamayan sa bara-barangay sa tulong ng Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman.
Ang programang ito ay nagpapatunay na patuloy na sinisigurado ng Pamahalaang Lokal na makakarating ang kanilang #NASAPusong paglilingkod sa bawat Calaqueño.