News

Home 5 Uncategorized 5 NASA HUSAY RUBBER SHOES IPINAGKALOOB SA MGA ESTUDYANTENG CALAQUEÑO
NASA HUSAY RUBBER SHOES IPINAGKALOOB SA MGA ESTUDYANTENG CALAQUEÑO

Para sa Punumbayan, Kabataang Calaqueño ang siyang bida. Sa kauna-unahang pagkakataon ay inilunsad ang NASA Husay Rubber Shoes kung saan pinagkalooban ng bagong-bagong sapatos ang mga batang may gulang na apat na taon hanggang labing-walong taon. Lahat ng suporta at gabay sa kanilang ikagagaling ay siyang laging nasa puso at isipan ng ating Punumbayan.

Sa loob ng siyam na araw mula noong buwan ng Pebrero 2020, nagtungo sa iba’t-ibang paaralan sa bayan ng Calaca ang buong pwersa ng Sangguniang Bayan kaagapay ang ilang mga kawani ng munisipalidad. Kanilang ipinamahagi ang NASA Husay Rubber Shoes sa kabuuang 20,654 na mag-aaral. Naitalang 1,172 sa mga ito ay mga mag-aaral mula sa mga Day Care Centers, samantalang 19,482 mag-aaral naman ang mula sa pampublikong elementarya at sekundarya.

Sa proyektong ito ay makakasigurado si Mayor Nas Ona, Jr. na wala nang batang papasok ng naka-tsinelas, wala nang batang matitinik at panghihinaan ng loob mag-aral dulot ng hirap sa pagpunta sa mga paaralan. Naniniwala siya na kahit saanman makarating, laging ang pinakamahalagang baon ay ang magandang edukasyon na may kaakibat na tamang inspirasyon at motibasyon. Kaya naman patuloy ang kanyang pamunuan sa tulong ng mga sangay ng edukasyon na maghatid ng mga programa para sa kapakanan ng mga Calaqueñong mag-aaral.

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial