News

Home 5 Uncategorized 5 MULING PAGSIKLAB NG SUNOG SA BDI
MULING PAGSIKLAB NG SUNOG SA BDI

Matapos ang ilang buwan nang magkaroon ng sunog sa Balayan Distillery Inc. (BDI) sa Brgy. Talisay, Calaca, Batangas, muling sumiklab ang apoy dito bandang 3:40 ng hapon, Oktubre 15, 2020.

Mabilis ang naging pagresponde ng mga kawani ng Calaca Fire Station, Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, at ang Municipal Health Office. Agad ding dumating ang mga bumbero mula sa ibang kumpanya sa Calaca at mga karatig na bayan. Kabilang dito ang Taal Fire Station, Balayan Fire Station, San Luis Fire Station, Lemery Fire Station at MDRRMO Lemery, SLTEC, South Pacific Inc., Progreen Agricorp Inc. Balayan, Progreen Agricorp Inc. Nasugbu, South Pacific, Inc., South Luzon Thermal Energy Corp. at Calaca Industrial Seaport Corp.

Samantala, nagtungo sa loob ng planta ng BDI sina Mayor Nas Ona, Dra. Sharon Ona (Municipal Health Officer), at ang Sangguniang Bayan Members upang siyasatin ang pinsalang dulot ng sunog.

Inihayag ni Senior Fire Inspector Jonathan Malundas na kontrolado na ang apoy bandang 4:15 ng hapon. Idineklarang fire-out na ang sunog pagsapit ng 5:30 ng hapon.

Bilang pasasalamat sa mga rumesponde, namahagi ang Pamahalaang Lokal ng pagkain na nagsilbi na ring pasasalamat sa kabayanihang ipinamalas nila upang maapula ang apoy.

Dahil pangalawang insidente na ito ng sunog ngayong taon sa BDI, hinihiling ng Punongbayan sa BFP Calaca na suriing mabuti ang sanhi ng sunog nang maiwasan itong mangyaring muli.

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial