Sa kabila ng pandemyang nararanasan ng ating mga Calaqueño, hindi nagpatinag ang ating Punumbayan sa kanyang mga adhikain na matulungan ang mga mag aaral sa kanilang pag aaral sa pagtalima sa Alternative Learning Mode ng mga paaralan dito sa Bayan ng Calaca.
Kaugnay nito, kinilala si Mayor Nas C. Ona Jr. ng Sangay Panrehiyon ng Kagawaran ng Edukasyon sa kanyang walang patid na pagsuporta sa mga mag aaral at gurong Calaqueño. Iginawad ang DABESKA Award bilang pagpupugay at pasasalamat sa mga tulong na ipinagkaloob sa kabila ng hamon ng pandemya. Ito ay iginawad ni Director Wilfredo Cabral, DepEd Region IV-A CALABARZON Director sa pamamagitan ng ating Pampurok Tagamasid ng DepEd Calaca na si Dr. Anabel R. Marasigan.
Hindi matatawaran ang patuloy na pagtulong ng ating Punumbayan at Sangguniang Bayan sa Kagawaran ng Edukasyon sa pagsasakatuparan ng Learning Continuity Plan ng bawat paaralan. Para sa Ama ng ating bayan, “Walang Calaqueñong mag-aaral ang maiiwan”.