News

Home 5 Uncategorized 5 ISANG TAONG ANIBERSARYO NG BUONG-PUSONG PAGGAWA!
ISANG TAONG ANIBERSARYO NG BUONG-PUSONG PAGGAWA!

Sa paggunita ng isang taong anibersaryo ng paglilingkod ni Mayor Nas Ona sa bayan ng Calaca, balikan sa tulang ito ang mga proyektong kanyang napagtagumpayan at mga pagsubok na nalampasan ng kanyang pamunuan. Sa kanyang pagbabalik ay ipinagpatuloy ang mga mahahalagang GAWA sa pagpapaunlad ng mahal nating bayan ng Calaca.

“Isang taon na pala ang nakalipas mula ng tayo’y nagsama-samang muli sa PAGGAWA para sa mga Calaqueño. Isang taon ng paninilbihang inilaan sa mga programang naglalayong mapabuti ang kinabukasan ng mahal nating Bayan ng Calaca. Sa anumang hamon ng panahon, ang sama-sama nating GAWA ang paghuhugutan natin ng lakas upang kayanin ang matitinding pagsubok na ating pinagdaraanan. 

Kaya’t sa unang anibersaryo ng aking muling paglilingkod sa ating bayan, maraming tao ang aking pinasasalamatan sapagkat dahil sa kanilang buong suporta ay naisasagawa ang mga programa na aking ipinangako. Sa bawat programang aking inilulunsad, kasama ko ang mga kawani ng LGU Calaca at ang buong Sangguniang Bayan na siyang laging sumusuporta sa ating mga adhikain. 

Inspirasyon po namin kayo, mga mahal kong kababayan, upang patuloy nating makamit ang mga pangarap para sa ating bayan. Madami man ang naging mabigat na hamon sa atin dahil sa mga kaganapan na hindi natin lahat inaasahan, sinisiguro kong ang lahat ng magagawa ay patuloy na tinatrabaho upang tuluy-tuloy rin ang pag-asenso ng ating mamamayan. 

Higit sa lahat, sama-sama tayong manalangin para sa patuloy na gabay ng Panginoon at ng ating patron na San Rafael Arkanghel. Dahil dito, kahit ano pa ang mangyari, kaya natin ito, mga mahal kong Calaqueño!”

Tunghayan natin ang mga programang matagumpay na inilunsad sa kanyang pamumuno at patuloy pang pinalawak upang mas guminhawa pa ang buhay ng mga Calaqueño. Binalikan isa-isa ang mga malalaking programang ngayon ay nagdudulot ng malaking kapakinabangan sa ating mga mamamayan. 

Mayor Sofronio Nas C. Ona Jr., ating punongbayan

Pinunong maaasahan, Lider na masasandalan

Naging ama ng bayan, gayundin ng lalawigan

Tapat na serbisyo ipinamalas sa NASAsakupan.

Sa loob ng isang taon ng kanyang paninilbihan,

Hindi na mabilang mga proyektong napagtagumpayan

Iba’t-ibang sektor sa Bayan ng Calaca

Para sa mamamayan GAWA lang ng GAWA. 

Butil ng pag-asa ipinamahagi sa mga magsasaka

One Barangay, One Product, programang pang-agrikultura.

Sa karagdagang greenhouse na ipinatayo, 

NASa sipag ng magsasaka, tanim ay nagsipaglago.

Sumisiyap-siyap ang mga sisiw na ipinamahagi

Dagdag mapagkakakitaan ng mga Calaqueñong nais mag-poultry

Gayundin sa mga barangay sa may baybaying dagat

Mga mangingisda gamit pangkabuhayan ay natanggap.

Edukasyon ang pinakamahalagang baon, paniniwala niya

Sa mga paaralan at guro, lubos ang kanyang suporta

Musmos pa man ang isipan o may gulang na, 

Ang pumasok sa eskwela ay makakaya.

“Gamit Mo, Sagot Ko” ang kanyang sambit

NASA Isip ng mag-aaral ay kanyang nababatid

NASA Husay ng mga kabataan, libreng sapatos ipinamahagi 

Dahil sa ONA Scholarship, Siya ay pinuri.

Ginhawa ng pakiramdam ang laging ninanais 

Ng Ama ng Bayan para sa mga maysakit, 

Sanggol man, o  may edad, malayo man o malapit,

programang pangkalusugan ay hindi ipinagkait.

Kalusugan at kaligtasan ng mga Calaqueño ay sigurado

Dahil NASA Barangay Serbisyong Lumalapit sa Tao 

NASA Tamang Bakuna, Protektado ka

NASA Lakas niya ay maraming umaasa.

Hindi matitinag ng trahedya o pandemya

Ang kanyang pusong walang pag-iimbot na maglingkod sa iba

Lawak ng isipan at pagpupursigi ay ipinairal

Upang agarang aksyon ay maisakatuparan.

Sa pagputok ng Bulkan, mamamayan ay nagsilikas. 

Sa Bayan ng Calaca, sila ay ligtas. 

Sa pagtutulungan ng munisipyo at boluntaryo, 

NASA Kanlungan ang NASA Pusong pagtulong, ay pinag ibayo.

Ang pandemyang pinagdadaanan ay hindi sinukuan, 

Mas lalong pinag-igting ang pagtulong sa bayan.

Tawid-Covid ang handog sa bawat pamilyang Calaqueño, 

Maibsan ang hirap na dulot ng pagkawala ng trabaho.

Ang kanyang hangaring Calaca ay maging siyudad

Pinaghandaan, pinag isipan upang dagliang matupad

Sa sandaling ang mithiin ay maging matagumpay

Isang karangalang maipagmamalaking tunay.

Mga kawani ng LGU Calaca at buong Sangguniang Bayan

Kaniyang kaagapay sa pagbibigay serbisyo sa mamamayan 

Sa paglilingkod, inspirasyon niya’y mga kababayan

Kaya’t mabigat man ang pagsubok ay nalalampasan

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial