Opisyal ng binuksan ang Ermita – Buhain Cup 2019 noong Disyembre 15, 2019 sa Balayan Covered Court, Balayan, Batangas na sinimulan sa pamamagitan ng parada ng mga manlalaro ng basketball at volleyball. Pumarada rin ang mga naggagandahang mga kababaihan na kumatawan sa iba’t-ibang bayan ng Batangas gaya ng Calaca, Taal, Nasugbu, Lemery, Calatagan, Lian, Tuy, at Balayan.
Pinahanga ang mga hurado ng mga muse ng basketball at volleyball na nagmula sa Lemery, Batangas.
Mula sa araw ng pagbubukas ay nagkaroon ng serye ng mga laro ng basketball at volleyball na ginanap sa iba’t ibang lugar sa Batangas. Ilan sa mga lugar na ito ay Balayan covered court, Calatagan Covered Court, Brgy 4 Calaca Covered Court, Rizal College of Taal Gymnasium, Calaca Municipal Gymnasium, Nasugbu Auditorium at Tuy Covered Court.
Ang naturang paligsahan ay natigil bunsod ng mapanganib na pagputok ng Bulkang Taal at sinundan naman ng community quarantine dahil sa pagtaas ng bilang ng naapektuhan ng pandemya COVID-19.
Umaasa ang mga magagaling na manlalaro na maipagpapatuloy ang nasimulang paligsahan sa sandaling matapos ang banta na dulot ng COVID-19.