Pormal na nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng South Luzon Thermal Energy Corporation (SLTEC), Brgy. Puting Bato West, at Brgy. Sinisian na nagtatakda sa implementasyon ng mga bagong alituntunin ng Energy Regulations 1-94 (ER 1-94).
Pinangunahan ng Pangulo ng SLTEC na si G. Sebastian Arsenio R. Lacson, kasama ang mga kinatawan ng Brgy. Puting Bato West, Kap. Adelino Magpile, at Brgy. Sinisian, Kap. Generoso Garcia, ang paglagda sa kasunduan na nagsasaad ng pagbibigay sa bahagi ng pinansiyal na benepisyong ito mula sa kompanya tungo sa barangay. Saksi sa paglagda ang mga kagawad ng parehong barangay at ilan pang empleyado ng SLTEC.