Kaugnay ng pag-agapay ng Pamahalaang Lokal ng Calaca sa Pagok ng Bulkang Taal, iginawad ang pagkilala sa Doktora ng Bayan na si Dra. Marjolyne Sharon Ona bilang Great Woman Leader sa ginanap na Virtual Celebration of International Day for the Elimination of Violence Against Women noong Nobyembre 25, 2020.
Ang selebrasyon ay nilahukan ng mga magigiting at ipinagmamalaking kababaihan sa buong Probinsya ng Batangas.
Ang pagkilala ay iginawad dahil sa kanyang sipag, kakayahan at dedikasyon sa pakikiisa sa Local Government of Batangas upang matugunan ang pangangailangan ng mga Batangueñong naapektuhan ng Taal Volcano Eruption.