Naantala man ang ilang programa ng Pamahalaang Lokal ng Calaca noong nakaraang taon para sa mga Calaqueño, unti unti ang pagsasakatuparan ng mga ito ngayong taong 2021. Isa na rito ang programa para sa mga daycare students.
Binisita ng mga kawani ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan ang mga daycare children sa Brgy. Camastilisan para sa Flouride application at Dental Check-Up na malaking tulong upang maimulat ang mga bata sa kahalagahan ng pangangalaga sa kanilang mga ngipin.
Bukod pa rito ay isinagawa rin ang Purified Protein Derivative (PPD) Skin Test upang matukoy kung mayroon o naexpose sa mga taong may tubercolosis ang mga bata upang mabigyan ng karampatang atensyon at matutukan ang gamutan hanggang sa paggaling. Higit sa lahat ay upang ligtas sa pagkahawa ang komunidad lalo na ngayong pandemya.
#NasaLakas at tamang disiplina, mananatiling malusog at ligtas ang bawat isa lalo’t higit ang mga batang Calaqueño sa pagharap sa bagong normal na sistema ng pamumuhay.