Habang patuloy ang mga pagsasagawa ng mga hakbangin upang mapangalagaan ang mga mamamayang Calaqueño kontra COVID-19, hindi din naman titigil ang ating Lokal na Pamahalaan sa mga gawain para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Calaca.
Binigyan ng limang araw na pagsasanay ang mga enumerators na nagsimula noong Agosto 17 para sa 2020 Census of Population and Housing sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistic Authority at ng ating Pambayang Tagatalang Sibil kung saan tinalakay din ang pagganap sa kanilang mga tungkulin nang may pagtalima sa health protocols na ipinatutupad.
Bago simulan ang Census ay nagtungo rin ang mga enumerators sa kanilang mga designated barangays upang makadaupang palad ang pamunuan ng barangay.
Pormal na sinimulan ang pangangalap ng datos ng mga enumerators noong Setyembre 1, 2020 sa apatnapung barangay sa Bayan ng Calaca na tumagal ng 25 araw.