Dalawang buwang pansamantalang natigil ang pangingisda ng mga commercial fishing vessels sa buong Pilipinas kung saan naapektuhan ang labimpitong (17) bayan sa Lalawigan ng Batangas na siyang dahilan upang mawalan ng pangkabuhayan ang ilan sa mga mangingisdang #kaGawa ng Bayan ng Calaca. Ang pagtigil sa pangingisda ay dulot ng pansamantalang pagpapahinga ng mga Look ng Balayan, Talim, Nasugbu, Batangas at Tayabas mula Disyembre 6, 2020 hanggang Pebrero 6, 2021.
Sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera, inilunsad ang programang Cash for Work kung saan nakatanggap ng tulong pinansyal ang bawat kasapi ng pukutan upang maibsan ang bigat na dulot ng kanilang sitwasyon. Kaugnay nito ay pinangunahan ni Mayor Nas Ona ang pamamahagi ng nasabing tulong sa 179 na kasapi ng pukutan sa Brgy. Salong katumbas ng tuloy-tuloy na pagtulong sa paglilinis ng ilog at tabing dagat.
Sa pamamagitan ng programang ito, malaki ang naitulong ng mga #kaGawa sa pangangalaga ng karagatan, gayundin naman, natulungan ng pamahalaang lokal ang mga mangingisda sa kanilang pang araw araw na gastusin.