News

Home 5 Uncategorized 5 CALACA PALENGKE PANALO
CALACA PALENGKE PANALO

Sa patuloy na pagharap ng bansa sa pandemya ay malaki rin ang naging dagok sa ekonomiya at pangkabuhayan ng mga mamamayan. Maraming nawalan ng trabaho, mayroong napilitang umuwi sa kani-kanilang mga probinsya, at may mga pansamantalang nagsarang negosyo. Kaakibat nito, lubos ding naapektuhan ang mga Calaqueñong naghahanapbuhay sa pamilihang bayan. 

Minarapat ng Pamahalaang Lokal na gumawa ng paraan upang palakasin at suportahan ang mga kababayang may negosyo sa palengke para sa kanilang unti-unti at tuloy-tuloy na pagbangon. Inilunsad ang CALACA PALENGKE PANALO noong Disyembre 1, 2020 kung saan sari-saring papremyo ang maaaring mapasakamay ng mga mamimili sa palengke ng Calaca.

Sa bawat PHP 500.00 na pinamili sa loob ng pamilihang bayan, isang ticket sa raffle ang katumbas. Araw-araw mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 29 ay may nagkamit ng gift certificate na nagkakahalagang PHP 1,500.00 na maaaring ipamiling muli sa palengke. Samantala, tatlong masuwerteng mamimili ang nag-uwi ng malalaking papremyo sa ginanap na Grand Raffle Draw noong ika-30 ng Disyembre. Sila ay sina: Sheena Enriquez mula sa Brgy. Lumbang na Matanda (3rd Prize – 6 cu. ft. Refrigerator), Joel Ventura mula sa Brgy. Niyugan (2nd Prize  – 32″ Smart Television), at si Inocencio Enriquez Jr. mula sa Brgy. Putingkahoy ang nagkamit ng 1st Prize na tricycle.

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial