News

Home 5 Uncategorized 5 CALACA CITY, APRUBADO NA!
CALACA CITY, APRUBADO NA!

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No. 11544  o An Act Converting the Municipality of Calaca in the Province of  Batangas Into a Component City To Be Known as the City of Calaca. Noong ika-26 ng Mayo, 2021 ay natanggap ng Senado ang nilagdaang dokumento ng Pangulo. Samantala, dumalo naman sina Mayor Nas Ona, kasama si Cong. Eileen Ermita-Buhain sa ceremonial reenactment ng kanyang paglagda sa mga panukalang batas noong ika-16 ng Hunyo.

Malayo na ang narating ng bayan ng Calaca sa tinatahak nitong daan sa pagiging siyudad. Halina’t magbalik-tanaw sa mga hakbang na ating napagtagumpayan upang kilalaning siyudad ang ating minamahal na bayan.

Hulyo 11, 2017

Pinangunahan ni dating Punumbayan Sofronio Manuel Ona kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang paghain ng letter of request for endorsement para sa pagiging siyudad ng Calaca. 

Isinumite ang mga dokumento kay Hon. Eileen Ermita-Buhain, Congresswoman ng Unang Distrito ng Lalawigan ng Batangas kalakip ang mga kinakailangang Sangguniang Bayan at Municipal Development Council Resolutions.

Marso 11, 2020

Dinaluhan ni Mayor Sofronio “Nas” C. Ona, Jr. ang pagdinig ng House Committee on Local Government kung saan naipasa ang House Bill No. 5077 na siyang unang hakbang upang kilalanin ang bayan ng Calaca bilang isang ganap na siyudad.

Hunyo 3, 2020

Naipasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 6598 na naglalayong gawing siyudad o city ang bayan ng Calaca. Nagkamit ang panukalang batas ng 213 botong sang-ayon (affirmative), walang di sang-ayon (negative), at wala ring bumoto ng pag-iwas (abstention). 

Oktubre 26, 2020

Dininig at naaprubahan sa Virtual Senate Committee Hearing on Local Government ang panukalang batas upang maging City of Calaca ang naturang bayan.

Nobyembre 9, 2020

Nagpulong ang mga kasapi ng Technical Working Group (TWG) para sa sa Cityhood ng bayan ng Calaca. Tampok sa pagpupulong ang mga susunod na hakbang para sa Cityhood at mga pagbabagong kakaharapin ng bayan sa pagiging siyudad.

November 16, 2020

Nagsagawa ng Lakbay-Aral ang mga kasapi ng TWG kasama si Mayor  Nas C. Ona, Jr. at binisita ang bagong tatag na siyudad ng Sto. Tomas. Tinalakay sa kanilang pagbisita ang mga naging preparasyon ng nasabing siyudad para sa kanilang pagiging ganap na siyudad.  Layunin ng Lakbay-Aral na maging gabay ang mga naging karanasan ng Sto. Tomas upang maging maayos ang transisyon ng bayan ng Calaca patungo sa pagiging siyudad nito.

Disyembre 16, 2020

Ginanap ang 34th Plenary Session ng Kongreso kung saan naipasa na sa Unang Pagdinig sa Senado ang Charter of the City of Calaca na pinangunahan ni Sen. Francis “Tol” Tolentino na siyang tumatayong Chairman ng Committee for Local Government. 

Pebrero 3, 2021

Inamyendahan at naipasa sa ikalawang pagbasa sa Senado ang Senate Bill No. 1825.\

Pebrero 8, 2021

Sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Senado ay nagkamit ng dalawampu’t tatlong (23-0) boto ng pagsang-ayon ang panukalang batas upang maging siyudad ang bayan ng Calaca.

Binigyang-diin ni Senador Francis Tolentino na ang pagkilala sa bayan ng Calaca bilang siyudad ay isang susing magbubukas ng iba’t-ibang oportunidad para sa pag-unlad ngunit hindi dapat tumigil ang City of Calaca sa patuloy na paglinang ng iba’t-ibang sektor nito. 

Isang hakbang na lamang ang kailangang tahakin ng bayan ng Calaca upang maging ganap na siyudad. Ito ay ang pagratipika ng batas sa pamamagitan ng isang Plebisito. 

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial