News

Home 5 Uncategorized 5 CALACA BAKUNA BRIGADA UMAARANGKADA PARA SA IKALILIGTAS NG MGA CALAQUEÑO
CALACA BAKUNA BRIGADA UMAARANGKADA PARA SA IKALILIGTAS NG MGA CALAQUEÑO

Abot-kamay na ng mga Calaqueño ang pagiging mas protektado laban sa pandemyang mahigit isang taon nang nagpapahirap sa buong mundo. 

Tinatayang pitong libong mamamayan ng Calaca ang nakatanggap na ng bakuna kontra COVID-19. Buhat ito ng ibayong pagsisikap ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan na pinangungunahan ng Doktora ng Bayan Dra. Sharon V. Ona, katuwang ang Municipal Task Force for COVID-19 Vaccine sa pamumuno ni G. Carlo Enrique Soriano.

Alinsunod sa mga itinakdang priority groups ng Department of Health (DOH), una sa listahan ng mga matagumpay nang nabakunahan ang mga Calaqueñong medical frontliners mula sa mga pampubliko o pribadong klinika at ospital, Tanggapan ng Pambayang Kalusugan, at mga kasapi ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs), Barangay Health Workers (BHWs), at mga Lunas volunteers. 

Hindi rin nagpahuli sa pakikiisa sa Bida Bakunation ang mga lolo at lola sa bayan ng Calaca na nakatanggap na rin ng ikalawang dose ng kanilang bakuna. Patuloy pa man ang inoculation para sa Priority Group A2 o senior citizens, nabigyan na rin ng bakuna ang ilang Persons with Comorbidities o mga kabilang sa Priority Group A3, gayundin ang mga manggagawa mula sa essential sectors o Priority Group A4. 

Kasabay ng isinasagawang vaccination roll-out ay pupuwedeng magpatala sa kanilang barangay ang mga Calaqueñong kabilang sa mga nabanggit na priority group na nais magpabakuna.

“Balang araw…makikita na muli natin ang mga ngiti sa ating mga mukha” pagbabahagi ni Dr. Advent Genesis Araja mula sa Ospital ng Calaca. Hindi pa man tapos ang pagsugpo ng Calaca sa COVID-19, hudyat ang pagbibigay ng Resbakuna para sa mga kabilang sa Priority Group A1 hanggang A4 na malalampasan din ng mga Calaqueño at ng buong bansa ang pagsubok na ito. 

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial