News

Home 5 Uncategorized 5 BIDA ANG MGA KABATAANG CALAQUEÑO SA GINANAP NA NATIONAL CHILDREN’S MONTH
BIDA ANG MGA KABATAANG CALAQUEÑO SA GINANAP NA NATIONAL CHILDREN’S MONTH

Sa pagtatapos ng National Children’s Month na may temang “Karapatang Pambata: Patuloy na Pahalagahan at Gampanan Tungo sa Magandang Kinabukasan” noong Disyembre 11, 2019, nagtanghal ang mga piling estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan sa bayan ng Calaca. Ang pagtitipong ito ay ginanap sa Calaca Municipal Gymnasium at pinangunahan ni Mayor Nas C. Ona, Jr. at ng Sangguniang Bayan Members katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office na pinamunuan ni Gng. Maharani Babasa.

Kabilang din sa programa ang paglulunsad ng NASA Piso Kinabukasan Ko Program kung saan namahagi ng mga alkansya sa ilang estudyante. Layunin ng programa ng hikayatin silang maging masinop para sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Kinilala rin sa ginanap na pagdiriwang ang mga Child-Friendly Barangays. 

Inihayag din ng minamahal na Punongbayan ang kanyang State of the Children’s Address na tumatalakay sa kahalagahan ng pagkilala sa karapatan ng mga mga bata. Nabanggit niya sa kanyang salaysay ang mga programang kanyang naisakatuparan at mga adhikain para sa lahat ng kabataang Calaqueño.

Nakiisa rin sa pagdiriwang ang mga miyembro ng Supreme Pupil Government at Supreme Student Government, mga Punungguro sa panguguna ni Dr. Anabel R. Marasigan, at mga Punong Barangay na pinangunahan ni ABC President Eric Atajar. 

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial