News

Home 5 Uncategorized 5 ANG PAGBABALIK NG BALIK-ARAL SCHOOL SUPPLIES
ANG PAGBABALIK NG BALIK-ARAL SCHOOL SUPPLIES

Pinangunahan ni Mayor Nas Ona, kasama ang Sangguniang Bayan members, mga kawani ng Pamahalaang Lokal, at DepEd District Supervisor Dr. Anabelle Marasigan ang pamamahagi ng Balik-Aral School Supplies sa tatlumpu’t siyam na paaralan sa bayan ng Calaca. Inikot ng buong #TeamGawa ang mga paaralan mula Setyembre 24, 2020 hanggang Oktubre 3, 2020.

Batid ng Punongbayan na hindi man kaagad na makakabalik sa paaralan ang mga mga mag-aaral ay kinakailangan pa rin nila ng maayos na kagamitan kaya naman sinigurado niyang mabibigyan ng sapat na school supplies ang 22,000 na Calaqueñong mag-aaral mula Daycare hanggang Senior High School at ALS. 

Dinagdagan pa nila ang mga gamit na ipinamahagi ngayong taon upang masigurong mas matagal itong mapakikinabangan ng mga estudyante. Ilan sa mga idinagdag ay ang backpack, scientific calculator, ID lace, at mga plastic at expanded envelopes na sadyang makakatulong upang mapahusay pa ng mga bata ang kanilang pag-aaral.

Tanging ang mga magulang na lamang ng mga estudyante ang inanyayahan na kumuha ng mga gamit-pamasok alinsunod sa mga panukala hinggil sa COVID-19. Patuloy ding ipinatupad ang mga minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at social distancing habang ipinamamahagi ang Balik-Aral School Supplies.

Hindi man nakapunta ang mga mag-aaral upang personal na pasalamatan ang pamahalaang lokal ay may kanya-kanyang gimik ang mga eskuwelahan upang makapagpasalamat sa ngalan ng kanilang mga estudyante. May ilang nagpaskil ng mga pick-up lines na gumuhit ng mga ngiti sa mga labi ng masikap na #TeamGawa samantalang may mga paaralan din na sumulat ng mga taos-pusong tula na kanila namang inihayag sa pamamagitan ng mga posts sa social media.

Buo ang paniniwala ng Punongbayan na NASA Husay ng bawat kabataang Calaqueño ang ikauunlad ng bayan ng Calaca kaya buo rin ang kanyang suporta para sa pag-aaral nila na isa sa mga hakbang upang sila’y maging matagumpay. 

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial