Ang COUNCILWIDE KAWAN HOLIDAY AND KAB OLYMPICS 2019 na may temang Iskawting: Patuloy na Panindigan sa Kahusayan Tungo sa Kaunlaran ay ginanap sa Calaca Central School na pinamunuan ni BSP Batangas – Council Chairman Mayor Nas C. Ona, Jr noong Agosto 23 at 24, 2019.
Bilang unang bahagi ng pagdiriwang, nilahukan ng 38 na mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa Lalawigan ng Batangas ang THAT’S MY KAB. Nagtagisan ang mga kalahok ng kanilang husay sa pagdadala ng iba’t ibang uri ng kasuotan at nagpamalas din ng kanilang mga angking talento.
Matapos ang paghusga sa mga kalahok, itinanghal na That’s My Kab 2019 s- Hanzel V. De Villa (Calaca), 1st Runner up si Rodolfo Xian Pio P. Macalinao III (Bauan West), at 2nd Runner up si Huge Denver L. Carinan (Nasugbu West).
Bukod dito, isinagawa rin ang KAB PALABAS kung saan umindak sa saliw ng iba’t ibang musika ang mga Kab Scouts mula naman sa tatlumpu’t pitong paaralan. Nagkamit ng Unang puwesto ang mga kinatawan ng bayan ng Calaca. Nanalo rin ang mga Kab Scouts mula sa San Nicolas (Ikalawang puwesto), Alitagtag (Ikatlong Puwesto), Sto. Tomas North (Ikaapat na puwesto), at Lemery (Ikalimang puwesto).
Layunin ng pagdiriwang na maranasan ng mga KAB scouts ang mga naturang aktibidades, mapagyaman nila ang kanilang mga sarili sa pagkamit ng mga KAB Merit badges, maitaguyod ng KAB Scouting ang pangkabuuang pag unlad ng mga kabataan, at maging tulay upang makabuo ng bagong mga pagkakaibigan at magandang samahan sa pagitan ng mga KAB Scouts.