News

Home 5 Uncategorized 5 100 ARAW NG GAWA, ULAT SA BAYAN
100 ARAW NG GAWA, ULAT SA BAYAN

Inihayag ni Mayor Nas C. Ona, Jr ang kanyang mga nasimulang proyekto sa kanyang ika-100 Araw ng Gawa noong Oktubre 8, 2019 sa Calaca Municipal Gymnasium. Patunay ang kanyang salaysay na wala siyang sinayang na panahon upang ipaabot ang GAWA sa mga mamamayan ng Calaca.

Binaybay ng Punumbayan ang mga naging programang handog ng pamahalaang lokal sa mga mamamayan.

Mula sa Tanggapan ng Punumbayan:

Pagkakaroon ng NASA ISIP Programang Pang-Edukasyon na ginanap noong ika-7, 8, 14 at 15 ng Setyembre sa Calaca Senior High School na kung saan naglaan ng malaking pondo ang pamahalaan upang makatulong sa pinansyal na pangangailangan ng 3,708 na estudyante at 98 ONA Scholars na nagmula sa mga paaralang nasasakupan ng Lalawigan ng Batangas. Gayundin ang pagbabahagi ng medical at burial assistance sa mga Calaqueño na may kabuuang halaga Php2.3M.

Mula sa Tanggapan ng Human Resources:

Paggunita ng ika-119 Anibersaryo ng Philippine Civil Service na pinangunahan ni HRMO Gng. Patti Margaret P. Casas kung saan ay nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidad gaya ng Zumba, libreng mga serbisyo gaya ng gupit, masahe, manicure at pedicure at munting salu-salo pagsapit ng tanghali para sa mga empleyado ng Pamahalaang Bayan.

Mula sa Tanggapan ng Administrador:

Pagsasagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Road Clearing Operation sa Calaca Public Market at mga lansangan ng Poblacion 1 hanggang 6, mula sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang DILG Memorandum Circular 2019 – 121. Nakipag-ugnayan din sila sa mga Local Utility Service Providers upang masiguradong hindi nakaka-antala sa kalsada ang kanilang mga tubo, wirings, o mga poste.

Mula sa Tanggapan ng Pambayang Kagalingan at Pagpapaunlad ng Lipunan:

Paggunita ng 41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week na ginanap sa Calaca Central School na may temang “Lokal na Pamahalaan: Kabalikat sa Pagpapatupad ng Karapatan ng mga Taong May Kapansanan”, kung saan nagkaroon ng medical assistance para sa tatlumpung (30) sumasailalim sa Special Education (SPED) class.

Mula sa Tanggapan ng Agrikultor:

Pagpapatupad ng programang One Barangay, One Product na sinimulan sa pamumuno ni Gng. Alicia Cabrera. Ang proyekto ay may layuning mapanatiling buhay at masagana ang sektor ng agrikultura dito sa Bayan ng Calaca at upang magkaroon ng nakatakdang pananim ang bawat barangay na naaayon sa uri ng lupa at klima nito. Inilahad din ang mga uri ng pananim na matatanggap ng mga barangay sa Bayan ng Calaca na magsisilbing pagkakakilanlan ng mga ito.

Pagkakaroon ng Demonstration Farm na isinagawa sa Barangay Madalunot at Cahigpitan. Sa lawak na 2.5 hektarya, nagtanim ang nasabing tanggapan ng mga pananim tulad ng mais, kamoteng kahoy at mani.

Pamamahagi ng coconut seedlings ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa Brgy. Coral ni Lopez sa pangunguna ni Mayor Nas C. Ona, Jr. at Pambayang Tanggapan ng Agrikultura kaagapay ang Tanggapan ng Pagtulong at Pagpapaunlad ng Komunidad na pinamumunuan ni Gng. Marilou C. Tapia.

Pamimigay ng butong gulay na pananim, libreng bakuna sa biik, libreng mga gamot at bitamina sa hayop, pamurga sa hayop at disinfectant bilang bahagi ng proyektong NASA Barangay, Serbisyong Lumalapit sa Tao. Kasama din sa mga serbisyong ibinigay ang pagpapaliwanag at pagtulong sa pagkakaroon ng insurance para sa may mga poultry at piggery, pananim, life and accident insurance para sa mga magsasaka at mangingisda at para sa mga bangkang de motor sa mga barangay na nasa baybaying dagat.

Mula sa Tanggapan ng Pambayang Kalusugan:

Pagsasagawa ng Blood Donation Program na may temang “Dugong Bigay, Dugtong Buhay” sa 40 barangay ng Calaca, mga locators at NGOs na may 552 blood donors na naglalayong makapag-dugtong at makasagip ng mga buhay. 

Pagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa pamamagitan ng programang NASA Barangay Serbisyong Lumalapit sa Tao. Kabilang sa mga serbisyo ang konsultasyon, fluoride distribution, pagtutuli, at ilang laboratory tests tulad ng Urinalysis, Fecalysis, CBC at ECG. Nagbigay din ang tanggapan ng libreng mga gamot at bitamina at ng Member Data Record o MDR mula sa Philhealth sa mga nangangailangan nito.

Paggunita ng TB Lung Month noong Setyembre na may temang: “Time to cure, end TB”, nabigyang-parangal ang dalawang-daan at tatlumpu’t anim  (236) na pasyenteng gumaling mula sa TB. Bukod dito, nagkaroon ng libreng konsultasyon at Chest X-ray ang isang daan at limampung pasyente na may TB. Nakapaghatid din ng TB Awareness Lecture ang Tanggapan sa Calaca Seaport.

Pangunguna ng Pinusuan Club sa Programang Alalay Laban sa Diabetes, Hypertension at Heart Disease sa Barangay Matipok noong Setyembre 25, 2019. Namigay ng libreng gamot sa mga residenteng may diabetes at hypertension na dumaan sa assessment at check up na isinasagawa sa barangay. Ang mga libreng gamot ay ipinamamahagi buwan-buwan sa mga beneficiaries ng nasabing proyekto sa pamamagitan ng mga LUNAS Kalusugan Volunteers ng bawat barangay.

Paghamon rin ang kanilang inihain para sa limampung (50) empleyado ng Pamahalaang Lokal upang maipakita ang kahalagahan ng tamang pagkain at malusog na pamumuhay. Ang paligsahan ay pinamagatang Weigh-To-Go Calaca Challenge na naglalayong magkaroon ang bawat isa ng tamang timbang upang sakit ay maiwasan.

Mula sa Tanggapan ng Inhinyero:

Pangangasiwa sa pagpapasemento at pagsasaayos ng mga daan sa mga barangay ng: Makina, Bambang, Poblacion 2, at Coral ni Lopez. Bukod sa mga daan ay sinigurado rin ng tanggapan na may maayos na patubig ang mga barangay ng Puting Kahoy, Bisaya, Coral ni Bacal, at Taklang Anak.

Pagpapatayo ng mga karagdagang silid-aralan sa Niyugan ES, Coral ni Bacal ES, Calaca ES at ang konstruksyon ng covered court sa Lumbang na Matanda NHS at Baclas ES ay pinangunahan din. 

Pagtulong sa pamamahagi ng mga supplies para sa proyekto ng ibang departamento ng lokal na pamahalaan. Kabilang dito ang delivery ng mga gamot para sa Botika ni Lolo’t Lola ng Municipal Health Office, mga learning materials ng mga mag-aaral sa elementarya, at mga DRRM Kit Package, Alarm System, sports equipment, at ElectricITY kits na ipinamahagi sa mga paaralan sa bayan ng Calaca. Bukod dito ay kaagapay din sila sa pamamahagi ng mga Learning Kits para sa SPED pupils.

Detalye ng mga naisakatuparan sa loob ng 100 araw.

NOINFRA/ GOODSAMOUNTSOURCE OF BUDGET
1Supply and delivery of Various Medicine forBotika ni Lolo’t Lola @Municipal Health Office826, 350.00Trust Fund
2Supply and delivery of various medicine for Municipal Health Office3,168,990.00General Fund
3Rehabilitation/ Concreting of Roadat Brgy. Makina, Calaca, Batangas2,999,857.0020% Dev’t. Fund
4Construction of Water Supply at Brgy. Matipok, Calaca, Batangas3,554,938.0020% Dev’t. Fund
5Concreting/ widening of Barangay Road at Bambang, Calaca, Batangas1,799,889.0020% Dev’t. Fund
6Rehabilitation and improvement of Road with lighting facilities at Pob. 2, Calaca, Batangas2,631,954.0020% Dev’t. Fund
7Construction of Two (2) Units Elevated Water Tanks at Brgy. Coral ni Lopez, Calaca, Batangas1,587,668.00General Fund
8Construction of Water Supply Phase 1 at Putting Kahoy, Calaca, Batangas1,500,000General Fund
9Rehabilitation and Improvement of Drainage and Construction of Slope Protection at Pob. 3 and Matipok, Calaca, Batangas1,206,421.00Calamity Fund
10Construction of Barangay Road So. Pulang Parang, Brgy. Coral ni Lopez, Calaca, Batangas2,215,000.00Trust Fund
11Water System extension through Supply and Delivery of Main Pipeline Materials at Brgy. Bisaya and Coral ni Bacal, Calaca, Batangas2,583,670.60General Fund
12Construction of Water Supply System at Brgy. Taklang Anak3,000,000.0020% Dev’t. Fund
13Supply and Delivery of Learner Materials for Elementary Students at DEPED, Calaca, Batangas1,014,260.00SEF
14Supply and Delivery of Equipments for the Upliftment of Students’ Performance at DEPED, Calaca, Batangas2,811,776.00SEF
15Supply and Delivery of Various Industrial Arts & Equipment at various Schools, DEPED Calaca1,000,000.00SEF
16Supply and Delivery of DRRM Kit Package & Alarm System at DEPED, Calaca, Batangas993,156.00SEF
17Supply and Delivery of Sports Equipment for Elementary and Secondary Schools at DEPED, Calaca, Batangas1,349,914.00SEF
18Supply and Delivery of ElectricITY Kits for Junior High School Students at DEPED, Calaca, Batangas493,800.00SEF
19Supply and Delivery of Learning Kits for SPED Pupils at Calaca Central School and Dacanlao G. Agoncillo Elementary School1,298,336.00SEF
20Supply and Delivery of Rubber Shoes for Public School Students from Elementary to Senior High School at DEPED, Calaca, Batangas 26,000,000SEF
21Construction of Two (2) Storey Four (4) Classroom Building at Loma Elementary SchoolBrgy. Loma, Calaca, Batangas8,435,573.00SEF
22Construction of Two (2) Storey Four (4) Classroom Building at Niyugan Elementary School Brgy. Niyugan, Calaca, Batangas8,332,933SEF
23Construction of Two (2) Storey Four (4) Classroom Building at Coral ni Bacal Elementary School Brgy. Coral ni Bacal, Calaca, Batangas8,332,933.00SEF
24Construction of Covered Court at Lumbang na Matanda National High School Brgy. Lumbang na Matanda, Calaca, Batangas4,236,755.00SEF
25Construction of Covered Court at Baclas Elem. School, Brgy. Baclas, Calaca, Batangas2,832,334.00SEF
26Improvement of Three (3) Storey Nine (9) Classroom Building (Additional Works) at Calaca Elementary School, Brgy. 2, Calaca, Batangas947,860.00SEF
27Construction of Slope Protection/ Retaining Wall with Fence at Bisaya Elementary School Brgy. Bisaya, Calaca, Batangas547,047.00SEF

Upcoming Events

Tags

Tags:
Share Article

More News

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.

Social media & sharing icons powered by UltimatelySocial