Sa kabila ng lahat ng pagsubok ng nakaraang taon at ng pandemyang nararanasan nating mga Calaqueño hanggang sa ngayon, hindi pa rin napigilan ang Pamahalaang Lokal na isagawa ang ilan sa mga nakatakdang proyekto noong nagdaang taong 2020 sa pangunguna ng Tanggapan ng Inhinyero.
Nanguna sa listahan ng mga natapos ang rehabilitasyon at pagpapasemento ng mga daan sa mga barangay. May proyekto din para sa patubig, pag aayos ng proteksyon sa mga dalisdis at limang (5) Handwashing Facilities sa loob ng Pamilihang Bayan. Natapos na rin ang proyekto na multi purpose building, Day Care Center, Seawall o Breakwater, pagpapagawa ng perimeter fence, drainage system at multi purpose covered court, stage na may dressing room at perimeter fence, pag aayos ng kantina sa paaralan at dalawang palapag na silid aralan sa isang paaralan sa Calaca.
Samantalang sinimulan ang mga proyekto ng pagpapagawa ng mga palapag na silid aralan sa mga paaralan, entablado, palikuran, Admin Building at Motor Control House.
Ipinakikita sa talahanayan sa ibaba ang mga proyektong natapos at sinimulan sa taong 2020 at kung saang pondo ito nanggaling:
Table 1. Mga natapos, nasimulan at nagpapatuloy na proyekto mula sa General / Development Fund 2019 – 2020 (attached)